Nalulungkot ang mga Jeepney sector dahil hindi pa rin sila nakakabalik sa kalsada para pumasada .

Ayon kay Alliance of Concerned Transport Organizations o ACTO national president Efren de Luna sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan mistulang binabalewala ang transport sektor partikular ang jeepney.

Giit niya na hindi pinag aaralan ng Land transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB ang jeepney modernization program gayung halos 10 percent pa lang ang nakatugon at marami pang rehiyon ay wala pang modernong jeep.

--Ads--

Sinabi ni De luna na kailangan pa ang traditional jeepney at hindi basta basta ito aalisin.

Hindi pa aniya handa ang gobyerno sa jeepney modernization program at kanyang apela gobyerno ay gawing paunti unti ang nasabing programa.

Hiniling niya na payagan na silang makabalik sa pagbiyahe matapos ang tatlong buwan na tigil-pasada.

Matatandaan na hindi kasama ang mga jeepney sa makakabalik sa kalsada sa enhanced community quarantine.