Kinumprima ni Dagupan City Mayor Marc Brian Lim ang pagkakatala ng 9 na panibagong kaso ng nagpositibo sa coronavirus disease na pawang mga frontliners.

Ito ay matapos lumabas ang panibagong resulta ng isinagawang laboratory test kahapon kung saan inanunsyo ni Mayor Lim ang naturang impormasyon.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan sa naturang alkalde, sinabi nito na kagabi lamang ay inilabas ng Philippine Red Cross ang panibagong batch ng resulta ng isinagawang mass testing sa lungsod kung saan karagdagang 9 na indibidwal pa ang naidagdag na bagong kaso ng naturang sakit.

--Ads--

Ayon pa kay Lim, kabilang sa mga nagpositibong mga empleyado sa lungsod ay isa mula sa City Disaster Risk Reduction Management Office (CDRRMO), mga traffic enforcers, at dalawa naman mula sa Dagupan PNP na aniya ay magkakapareho na-expose sa labas dahil na rin sa uri ng kanilang trabaho.

Aniya, ang naturang mga pasyente ay mula sa sa barangay Pantal, Barangay IV, Bonuan Gueset, Carael, Caranglaan and Calmay at isa naman mula sa Barangay Turac East in San Carlos City.

Kung matatandaan, limang mga empleyado din dito sa siyudad ng Dagupan ang nauna nang nakumpirmang positibo din sa COVID-19 na inanunsyo kahapon.

Sa ngayon ay may 517 nang dumating na resulta habang may 200 pang ang inaasahan pang mula naman sa mahigit 700 na mga empleyado na sumailalim sa naturang pagsusuri.