Inapela ni Dagupan City Mayor Marc Brian Lim sa Inter-agency Task Force (IATF) for the Management on Emerging Diseases na manatili sa General Community quarantine ang Dagupan City bunsod ng pagtala sa 14 na bagong aktibong kaso ng COVID-19 na pawang mga city government workers.

Sa pahayag ni Mayor Lim sinabi nito na sumusulat na sila ng liham sa IATF na mapasailalim sa GCQ ang siyudad mula sa MGCQ.

Dagdag pa nito na batid nilang malaki ang posibildad na madagdagan pa ang bilang ng kaso dito sa siyudad dahil sa paghihintay pa ng mga resulta ng isinagawang mass testing.

--Ads--

Ngunit aniya, na sa pamamagitan naman ng naturang malawakang pagsusuri sa siyudad ay mas matutukoy na umano ang mga posibleng carrier at positibo sa naturang sakit.