Aabot sa halos 500 na distressed Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Dammam, sa bansang Saudi Arabia ang nais ng makauwi ng Pilipinas.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Christian Jay Lopez, chef sa isang restaurant sa nabanggit na lugar, magbabalik operasyon na umano ang ilang mga establisyemento at nangangamba sila para sa kanilang kalagayan dahil sila ay magiging lantad sa publiko na wala namang kasiguruhang may matatanggap na tulong at seguridad.
Aniya, ito ay makaraang hindi naman umano ibinigay sa kanila ang kabuuan ng kanilang mga sahod at wala ni anumang benepisyo o ayuda ang natanggap mula sa kani-kanilang employers.
--Ads--
Dagdag ni Lopez na umaasa na lamang umano sila sa tulong mula sa mga samahan ng mga kapwa Filipino roon.