DAGUPAN CITY—Nagpositibo sa corona virus disease ang limang city government workers na pawang mga frontliners dito sa siyudad ng Dagupan.
Ito ay matapos lumabas ngayong araw ang resulta ng unang batch ng isinagawang swab test sa mga manggagawa sa lokal na pamahalan ng Dagupan, maging ng mga nasa hanay ng Dagupan PNP noong May 27 ng kasalukuyang taon.
Ayon kay Dr. Ophelia Rivera, COVID-19 focal person ng lungsod, ang mga naturang nagpositibo sa naturang sakit ay dalawa mula sa Barangay Carael, isa mula sa Barangay Pogo Grande, maging ang mula sa Perez Boulevard, at ang panglima naman ay biktima naman ay mula sa Barangay Tocok in San Fabian at ang lahat ng mga ito ay pawang asymptomatic.
Sa ngayon ay isinasagawa na ang contact tracing sa lahat ng nakasalamuha ng mga pasyenteng nagpositibo sa nabanggit na sakit.