Dismayado ang grupo ng mga motorcycle riders dito sa lalawigan ng Pangasinan sa pagbuhay ng Land Transportation Office (LTO) sa ‘Doble-Plaka’ Law.

Ayon kay NakedWolves Pangasinan chapter president Nelson Pedroso, sa panayam ng bombo radyo Dagupan, pahirap at malaging dagok ito sa mga motorcyce riders dahil masyadong malaki ang multa.

Nanawagan ito sa iba pang malalaking grupo ng mga motorcycle riders na lumabas sa kalsada para magproptesta upang hilingin na ibasura ang nasabing batas. Hinihiling din nila kay pangulong Rodrigo Duterte na ito ay kanyang sususpindihin.

--Ads--

Nakasaad sa revised implementing rules and regulations (IRR) ng Republic Act 11235 o ng Motorcycle Crime Prevention Law na kailangang gumamit ng mga motorcycle riders ng decal number plates na may laking 135mm by 85mm sa harap ng kanilang motorsiklo; habang 235mm by 135mm naman na laki ng plaka ang kailangang makita sa likod.

Sakaling lumabag sa panuntunan sa bagong plaka, pagmumultahin ng LTO ang rider ng P50,000 hanggang P100,000 at i-iimpound ang motorsiklo.

Matatandaan na Marso ng taong 2019 nang pirmahan ni Pangulong Duterte ang ‘Doble-Plaka’ Law subalit sinuspinde ito dahil sa matinding pagbatikos mula sa publiko, partikular sa mga grupo ng motorcycle riders.