DAGUPAN CITY— Naaresto ang 2 indibidwal mula sa magkaibang barangay dito sa siyudad ng Dagupan matapos mahulian ng mga pakete ng iligal na droga.

Batay sa impormasyong nakalap ng Bombo Radyo Dagupan mula sa Dagupan PNP, nakilala ang mga suspek na sina Jesus Canave alyas “Jess,” 57 anyos na isang store vendor at residente ng barangay Pantal, at Adriano Melecio, 35 anyos na isang tindero ng buko at residente ng Tapuac district sa siyudad ng Dagupan.

Nakumpiska mula kay Canave ang tatlong selyadong pakete ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P1,500 at nakuha din mula sa suspek ang P500 na boodle money at limang piraso ng P100 bill samantalang narecover naman mula kay Melicio ang 4 na pakete ng kaparehong droga na nagkakahalaga naman ng P8,000 at 5 piraso ng P100 bill at P500 na boodle money.

--Ads--

Sa ngayon, sumailalim sa medical examination ang mga nahuling suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Article 11 section 5 at section 11 ng RA 9165 o Dangerous Drugs Act of 2002.

Sa kabila nito, walang humpay pa rin sa pagsasagawa ng drug buy bust operation ang Dagupan PNP sa kabila ng mahigpit na pagbabantay sa mga quarantine control points ng siyudad sa nagpapatuloy na laban kontra COVID-19.