Inihayag ng Dept. of Education o Deped Region 1 na hindi pa rin malayo na ikonsidera ang online at saturday classes dahil sa pagkaantala at pagkakaroon ng epekto sa edukasyon ng nararanasang krisis na dulot parin ng covid 19.

Ayon kay Cesar Bucsit, Spokesperson ng Deped Region 1, sa pagkakataong magbukas muli ang pasukan ay ipapatupad parin ang social distancing at pagsusuot ng face mas.

Maaring magkaroon narin ng pag schedule ng mga pasok ng estudyante para hindi magkasabay sabay ang mga ito at mabawasan ang direktang interaction sa mga mag aaral at kanilang mga guro.

--Ads--

Kaya naman mas malaki parin umano ang posibilidad na manatili muna sa mga online classes ang pagtuturo ng mga guro.

Ngunit sa kabilang banda naman, ang nakikitang disadvantage ng online classes ay hindi lahat ng estudyante ay mayroon namang access sa internet o may mga sapat na resources upang makapag comply di