Dagupan City – Over suply ngayon ang karne ng manok sa buong bansa kaya mababa ang presyo nito sa merkado.

Ayon kay Engr. Rosendo So, Chairman ng Samahang Industriya ng Agrikultura o SINAG, lumaki ang produksyon ng manok dahil marami ang nag shift sa pag aaalaga ng manok.

Nakaapekto rin umano ang lockdown ang bentahan ng pagkain kaya bumagal ang bentahan ng mga commodities. Mas mabenta aniya ang bentan ng mga delata sa panahon ng lockdown.

--Ads--

Umaasa naman si So na dalawang buwan pa bago bumalik sa normal ang bentahan ng meat products at isda.

Samantala, nagbabala si Engr. So na posibeng magkaroon ng second wave ng lockdown.

Nanawagan si So na dapat sundin ang mga panuntunan ng pamahalaan bilang bahagi ng pag-iingat laban sa COVID- tulad ng pagsusuot ng facemask at social o physical distancing.

Kailangan na gawin ang lockdown dahil mas importante na mapangalagaan ang kalusugan ng mga tao.