Nilinaw ng Social Security System o SSS Dagupan na galing sa Department of Finance ang ibinigay na ayuda sa mga pribadong empleyado sa ilalim ng SBWS o Small Business Wage Subsidy Program.

Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Joy Lim, Assistant Branch Manager ng SSS Dagupan, nilinaw nito na ang SSS ay naatasan lamang upang magproseso at magrelease ng naturang tulong pinasyal.

Aniya, naging daan lamang umano ang SSS para sa distribusyon ng nasabing tulong pinansyal pero ang listahan ng mga aprubadong kompanya ay mula sa Bureau of Internal Revenue o BIR.

--Ads--

Dagdag pa nito na sakop ng 1st tranche ng SBWS mula May 1-15 at magsisimula naman ang distribusyon ng 2nd tranche sa May 16-31.

Paglilinaw pa nito na hindi lahat ng mga empleyado sa mga aprubadong kompanya ay makatatanggap dahil may kailangan din sundin na qualifications ang mga ito.
Pwede din umanong silipin ng mga employer ang status ng account ng kanyang mga empleyado.