DAGUPAN CITY- Tuloy-tuloy ang mass testing sa iba’t-ibang bayan dito sa lalawigan ng Pangasinan.

Ayon kay Provincial Health Officer Dra. Ana de Guzman, sa kasalukuyan ay natapos na ang mga hot spot areas na kinabibilangan ng lungsod ng Alaminos at Urdaneta at labing apat na munisipyo na may confirmed covid cases.

Sinabi ni de Guzman na umaabot na sa halos 800 ang natapos nang sumailalim sa swab test kasama ang mga frontliners at BJMP at ngayon ay hinihintay na lang ang resulta.

--Ads--
Pangasinan Provincial Health Officer Dra. Anna Marie de Guzman

Base aniya sa utos ni Pangasinan governor Amado Espino III ay isinama rin na maisailalim sa swab test ang mga estranded na Pangasinense sa boder ng Mangatarem, Bayambang at Rosales.