Nilinaw ni Provincial Health officer Dra. Ana de Guzman na hindi confirm covid case ang pasyente sa barangay Alibago sa bayan ng Santa Barbara.

Sa ekslusibong panayam ng bombo radyo Dagupan, nilinaw nito na isang probable case lamang ang naitala sa nasabing bayan base sa isinagawang laboratory test taliwas sa lumabas sa social media.

Kagabi ay naglabas din ng opisyal na pahayag ang Office of the Mayor sa bayan ng Santa Barbara kaugnay sa kaso ng COVID-19 sa barangay Alibago bilang isang fake news post.

--Ads--

Sa post ni Sta. Barbara Mayor Joel delos Santos, base sa medical rekord ng pasyente na asawa ni punong barangay Federico Almirol, ang pasyente ay may aneuryms at acute intracranial hemorrhage.

Nag issue umano ng referral ang Tondo Medical center para operahan ito sa Luzon Medical Center.

Mula sa ospital sa Tondo ay sinundo siya ng ambulansya at dinala siya sa LMC noong May 12.

Ayon sa LMC, nagpositibo ang pasyente sa Rapid test pero sa kasalukuyan ay hindi pa rin nila natatanggap ang resulta nito.

Ang rapid test na ginawa ay may less than 30 percent accuracy lamang.

Ang kanyang asawa na authorized person outside residente na si Punong Barangay Almirol, kasama ang kanilang driber, nurse at ang bantay ng pasyente ay kasalukuyang naka quarantine sa Municipal Quarantine facility.

Nabatid na hindi bumaba ang pasyente sa barangay Alibago.

Sa kasalukuyan ay nananatili ang pasyente sa Region I Medical Center.

Nanawagan si Mayor delos Santos sa kanyang kababayan na walang dapat ikabahala dahil ipinapatupad ang strict monitoring kaugnay sa kasong ito.