Photo from NBI Pangasinan

Nahaharap ngayon sa patong patong na kaso ang public school teacher mula sa lalawigan ng Zambales  na nag-post sa social media at nag alok ng P50-M na reward sa sinumang makakapatay kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Rizaldy Jaymalin, Hepe ng NBI Pangasinan, dinala na sa Department of Justice ang suspek na si Ronnel Mas, guro ng Taltal Elementary School para sampahan ng kasong inciting to sedition in relation to cybercrime at paglabag sa RA 7613 o Ethical standard for public Official dahil sa kaniyang pagiging Public School Teacher.

Kwento pa ni Jaymalin na nakatanggap ito ng direktiba sa NBI Central Office na tukuyin, hanapin at isecure ang isang indibidwal na nagpost sa social media at  nag- alok  ng malaking halaga sa  sinumang makakapatay   kay Pangulong Duterte.

--Ads--

Dahil dito ay hinanap nila ang may-ari ng naturang account hanggang sa matukoy at matunton nila ang naturang guro.

 Dahil dito ay inimbitahan umano nila ito sa kanilang tanggapan  bagay na itinanggi ang naturang bagay.

Giit umano nito na na-hack ang kaniyang account kaya’t pinayuhan  umano ng opisyal si Mas na ibigay sakaniya ang kaniyang cellphone upang kanila itong matulungan. Ngunit sinabi ni Mas  na sinira niya ito bagay na nagbigay ng duda sa naturang opisyal. Kinalaunan ay umamin mismo ang suspek sa harap niya at mga magulang nito sa kaniyang ginawa. Nabatid na ang ina ni Mas ay tubong Binmaley Pangasinan

Bahagi ng panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay NBI Pangasinan Chief Rizaldy Jaymalin

Bunsod nito ay pinayuhan ni Jaymalin ang publiko na iwasan ang pagpost ng mga bagay na maaring magdulot ng panganib sa ibang tao lalo na sa panahong nakakaranas ang bansa ng hirap na sitwasyon dahil sa covid 19 pandemic.