DAGUPAN CITY– Balak magsumite ng liham ng ilang mga alkalde mula sa lalawigan ng Pangasinan sa tanggapan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of the Interior and Local Government (DILG) bilang paglilinaw sa mga makakatanggap sa ikalawang tranche ng pinansyal na ayuda mula sa Social Amelioration Program (SAP).

Base sa panayam ng Bombo Radyo kay Dagupan City Mayor Marc Brian Lim, ang naturang hakbang ay upang mabigyang linaw ang iginawad ng mga nabanggit na ahensiya sa kanila na unofficial online service.

Samantala, dagdag rin ng alkalde na tapos na nilang ipinamahagi sa kanilang nasasakupan ang naunag tranche ng ayuda noong Mayo 4.

--Ads--

Nauna rito inihayag ng Department of Interior and Local Government (DILG) na hindi palalawigin ang deadline sa pamamahagi ng cash assistance sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP).

Ayon kay Interior Undersecretary at spokesman Jonathan Malaya mayroon nang 1,265 na LGUs ang nakakumpleto na sa pamamamahagi ng cash subsidy.

90.86 percent na ito sa buong bansa. Hindi naman nangangahulugan ayon kay Malaya na dahil natapos na ang deadline ay ihihinto na ng LGUs ang pamamahagi ng tulong-pinansyal.

Ang deadline na itinakda ay sukatan lamang ng DILG sa performance ng mga LGU.