DAGUPAN CITY– Huli sa akto ang 14 na na katao na nagsusugal na pinangpupusta ang cash assistance na kanilang natanggap mula sa Special Amelioration Program (SAP) sa bayan ng Asingan Pangasinan.
Ayon kay Police Lieutenant George Banayos Jr., Deputy chief of police ng Asingan PNP, nagsagawa ng dalawang magkasunod na operation ang kanilang hanay kung saan naaktuhan ang apat na indibidwal na naglalaro ng card games na 41, habang nahuli naman ang nag-uumpukang tao sa Barangay Subol na naaktuhang nagsusugal ng bet game.
Sa Barangay Macalong, isang beneficiary ng SAP ang nahuling nagsusugal, 2 4Ps at mga magsasaka din na nakatanggap ng ayuda mula sa DA na halos 5500 nahuling nagsusugal din ay inaresto din.
Nakumpiska ang ginamit na bet money at ilang canned beer mula sa mga nadakip na indibidwal.
Nakasuhan ang 13 indibidwal habang ang isang menor edad na nahuli ay tinurn over na sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Umamin naman umano ang mga nahuling indibidwal na ginamit nila ang ayudang natanggap sa pagsusugal.
Sinampahan ng kasong paglabag sa PD 1602 o anti-illegal gambling ang mga nadakip na kasalukuyang nasa Asingan Police station matapos mainquest ng Prosecution’s Office sa Urdaneta City kung saan ngayong araw ng Lunes pa posibleng makapagpiyansa ang mga nadakip na indibidwal.