DAGUPAN CITY– Nanawagan ang isang anak sa mga kapwa kabataan o mga anak na mahalin ang kanilang mga magulang.
Sa panayam ng bombo radyo Dagupan, sinabi ni Christopher Alberto, isang nangungulilang anak ng covid survivor na si Milagros Springgate, pinay nurse sa Amerika at residente ng Dagupan City hindi man niya nabati ng personal ang kanyang ina sa mothers day, napakalaking bagay na sa kanya na makausap nito ang kanyang ina sa pamamagitan ng bombo radyo Dagupan.
Ayon kay Chris, natatangi ang mga ina na nagsasakripisyo para sa pamilya at mga anak.
Kaya ang panawagan niya sa mga anak na hanggat may pagkakataon pa ay sabihin na mahal na mahal ang kanilang ina.
Samantala, pagmamahal sa mga anak at mga apo kung bakit patuloy na lumalaban sa buhay ang covid survivor na si Ginang Milagros Springgate, Pinay nurse sa Amerika na kasalukuyan pa rin nagpapagaling.
Sa esklusibong panayam sa kanya ng bombo radyo Dagupan, bilang isang ina na nasa malayong lugar, hindi man sila nagkikita araw araw ay nagkakausap naman sila sa pamamagitan ng messenger.
Aminado itong napakasakit na mawalay sa pamilya habang may karamdaman.
Pero ang payo niya sa ibang magulang na malayo rin sa mga anak ay huwag sumuko at isipin na lahat ng ginagawa ay para sa mga anak at mga apo.
Milagros Springgate, Pinay nurse in America/covid survivor
Aniya, bilang ina, lahat ay gagawin niya at ibibigay sa mga anak basta kanilang ikaliligaya.
Walang katumbas aniya ang pagmamahal ng isang ina.