Nanawagan ngayon ang mga Pangasinense na na-estranded sa boundary ng Tarlac at Pangasinan na mabigyan ng maayos na higaan tulad ng folding bed at tent bilang pag-iingat na hindi madapuan ng sakit.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan hindi maitago ng binatilyong residente ng bayan ng Villasis na nastranded sa naturang border ang kanilang sentimiyento dahil karamihan sa kanilang hinihigaan ay mga karton.

Malaking problema sa kanila kapag bumubuhos ang ulan dahil nahihirapan sila sa kanilang mga kinalalagyan.

--Ads--
Pangasinense

Pinunto din nito na iniingatan din nila ang kalusugan dahil kung sakaling magkaroon sila ng sakit ay baka sabihin na sila’y mayroong virus bagamat may nakakarating naman umano na mga tulong mula sa lokal na pamahalaan ng Rosales tulad na lamang ng mga pagkain at ilang higaan.