DAGUPAN,CITY— Nastranded ang 55 na mga indibidwal sa Regional control point ng Tarlac-Rosales boundary at ilang linggo na ang mga itong nananatili sa mga ipinatayo ng mga tents at tulda sa lugar bilang pansamantalang masisilungan ng mga ito.

Ang mga indibidwal na naipit sa naturang border ay dahil na rin sa mahigit na pagbabantay ng otoridad sa mga tao sa labas ng lalawigan o mga unauthorized person outside residence na nakapasok dito sa Pangasinan kaugnay pa rin ng ipinapatupad na protocols sa ilalim ng Extreme Enhance Community quarantine.

Dagdag pa rito ang mga ito ay binigyan ng tulong nang sa gayon ay hindi na din sila magutom habang nasa naturang border.

--Ads--

Ayon pa sa Pangsinan PNP, ay mas strikto pa umano ang pagpapatupad ng mahigpit na checkpoints upang sa gayon ay masiguro na mapigilan ang mga posibleng carrier o positibo sa Covid-19 na pupunta sa lalawigan.

Kabilang naman sa mga 55 na indibidwal na ang mga senior citizens, at isang menor de edad.