DAGUPAN CITY–Pinalawig sa pangatlong pagkakataon ang distribusyon ng Social Ameloriation Program o SAP dito sa lalawigan ng Pangasinan.

Matatandaan na dapat sana noon pang Abril 30 ang deadline ng pamamahagi ng first tranche ng SAP ngunit dahil sa ilang knsiderasyon, ito’y pinalawig noong May 7 at nakatakda nanamang magkaroon ng re-extension sa ikatlong pagkakataon sa darating na May 10 bilang mandato ni DILG Sec. Eduardo Año.

Ayon kay DILG Pangasinan director Paulino Lalata Jr. batay sa kanilang latest data noong May 5, nasa 17 LGU’s na dito sa lalawigan ng Pangasinan ang 100% ay nakapag comply na sa SAP distribution.

--Ads--

Samantala, giit ni Lalata na mayroon silang mga natatanggap na report mula sa mga concerned citizen hinggil sa mga anomalyang ginagawa ng ilang brgy. officials sa kanilang lugar.

Bilang tugon, hinihintay na lamang nila sa ngayon ang memorandum na mang gagaling sa central office na nagsasabing sila’y kailangang bumuo ng Provincial Investigating Team upang ma-validate at maimbestigahan ng maigi ang bawat reklamo sa mga brgy. Officials.

DILG Pangasinan Director Paulino Lalata Jr.

Bagamat aminado ang naturang opisyal na limitado lamang ang bilang ng kanilang mga kasamahan, pagtitiyak naman nito na mayroon pa din silang mga tao na tumututok sa mga ganitong usapin kung saan dagdag pa nito na handa silang magpataw ng kaukulang parusa sa sinumang opisyales ng brgy. na kakikitaan ng paglabag.

Batay sa order na ibinaba sa kanila ni Sec. Año, ang LGU na bigong makapag comply sa deadline ng SAP distribution ay posibleng makatanggap ng showcause order mula sa DILG central office.