Hindi naging matindi ang epekto ng covid 19 sa bansang Mongolia.
Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Elmond Rey Mondigo, chairman ng board of Directors ng Filipino Community sa Mongolia, kaunti lang umano ang kaso ng covid case sa kanilang bansa.
Sa pinakahuling datus nila ay nasa 41 ang confirmed case at wala pang naitatalang namatay dahil sa pandemya.
Ipinagmalaki pa nito na walang local transmission doon dahil napakaagang nagpatupad ang pamahalaang Mongolia ng precautionary measure.
Noong sa kasagsagan ng covid sa Wuhan China, ay nagsara na ng border ang Mongolia unang Linggo pa lang ng buwan ng Pebrero .
Dagdag pa niya na parang balik na sa normal ang situwasyon doon dahil walang makikitang nakalinya sa mga grocery stores at mabibili lahat ng basic commodities.