Apektado ang dami ng pangangailangan sa karne ng baboy bunsod ng kawalan ng trabaho ng maraming mamamayan dahil sa umiiral na Enhaced Community Quarantine (ECQ) dahil sa COVID-19 pandemic.

Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan sa pangulo ng Samahan ng Industriya at Agrikultura (SINAG) na si Engr. Rosendo So, maaari na umanong lumakas o kung hindi man ay unti-unting bumalik sa normal ang demand sa karne ng baboy sa Mayo 15 hanggang Hunyo 15, taong kasalukuyan.

Dagdag pa ni Engr. So, bagaman patuloy pa rin ang culling operations dahil sa African Swine Fever (ASF), sapat pa rin naman umano ang stock sa merkado bagaman hindi maitatangging marami rin aniya ang nabawas at batay sa kanilang survey ay posibleng magkaroon ng problema sa stock ng nasabing karne sa mga susunod na buwan.

--Ads--

Giit naman nito na wala namang problema sa dami ng ibang produktong pang-agrikultura gaya ng mga manok, isda at maging ng bigas.