Umabot na sa humigit kumulang 600 na rapid test ang naisagawa ng City Health Office (DCHO) ng lungsod ng Dagupan para malaman ang mga indibidwal na posibleng positibo sa coronavirus disease.

Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Dra. Ophelia Rivera, focal person ng COVID-19 Inter Agency Task Force ng Dagupan City, bagaman umabot na sa ganung bilang ang sumailalim sa naturang pagsusuri, ay aniya hindi pa umano nalilibot ng kanilang tanggapan ang lahat ng mga barangay dito sa lungsod.

Aniya unang binigyang prayoridad muna nilang sinuri ang mga taong na-expose sa mga nagpositibo at mga Patient Under Investigation (PUI) ng COVID-19 kabilang na rito ang mga frontliners.

--Ads--

Sa ngayon, lima ang kompirmadong kaso ng naturang sakit sa siyudad na nakaadmit sa pagamutan kung saan ang mga ito ay sumailalim na sa pangalawang swab test, apat dito ang kasalukuyang inaantay pa ang resulta, habang ang isa ay negatibo na ang ikalawang swab test nito.