Tiniyak ng embahada ng Pilipinas sa Egypt na tinututukan nila katuwang ang OWWA, DOLE ar DFA ang mga overseas Filipino workers lalo na ang mga may problema sa kanilang pinapasukang kompanya sa harap ng krisis dulot ng covid 19 pandemic.

Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Philippine ambassador to Egypt Sulpicio Confiado, sinabi nito na kamakailan ay nakipag ugnayan sila sa isang kompanya kaugnay sa repatriation ng 312 na manggagawang pinoy na nagtratrabaho sa isang koampanya.
Maging ang mga stranded na Pilipino doon ay kanilang tinulungan para makauwi ng bansa.

Nabatid na isang Pinoy lang ang naitalang nagpositibo sa Egypt pero sa ngayon ay nakakrekober na at malapit ng makalabas ng ospital.

--Ads--

Malaya ring makauwi ng bansa ang mga OFW na natapos na ang kontrata.

Ang ginagawa nila ay kinukuha ang pangalan ng mga Pilipino na nais ng umuwi at ito ay isusumiti sa DFA sa Manila.

Walang commercial flights sa Egypt maliban lang sa Ethiopia pero limitado lamang.

Dagdag pa nito na maari pang bumalik ang mga uuwing OFW kapag humupa na ang krisis, at sasagutin ng kompanya ang pamasahe ng mga ito pabalik .