Pinalawig pa ni Pangasinan governor Amado Espino III ang enhanced community quarantine mula May 1, hanggang May 15, 2020.
Sa inilabas nitong Executive Order No. 0022-2020, sa ilalim ng eECQ, limitado pa ang galaw ng mga tao at makakalabas lang ng kanilang bahay para bumili ng pagkain , medisina at iba pang mahalagang pangangailangan.
Mananatili pa rin ang presensya ng mga uniformed personnel at quarantine officers para sa tamang enforcement ng quarantine rules.
Ipinag uutos din nito na manatili lamang sa bahay ang mga menor de edad at mga senior citizens lalo na ang mga may sakit at buntis.
Tuloy din ang implementasyon ng curfew, sa extended duration ng EECQ, ang province-wide curfew ay mula 8:00 PM hanggang 5:00 AM.
Tanging mga mayroong valid Home Quarantine Pass na limitado lamang sa isang membro ng pamilya at may valid identification card, ang papayagang lumabas at bumili ng mga pangangailangan.
Samantala, ang operation sa mga supermarkets, public and private wet markets, grocery stores, at iba pang retail establishments ay may maximum period na 12 oras.