DAGUPAN CITY– Nagsasagawa ngayon ng contact tracing sa lahat ng mga nakasalamuha at dumalo sa lamay maging sa libing ng isang 80 taong gulang na Patient under Investigation sa bayan ng Burgos dito sa lalawigan ng Pangasinan.

Ang naturang PUI ay mula sa Brgy Sapa Grande Burgos na naconfine sa Dasol Community Hospital noong April 21 at binawian ng buhay noong April 25.

Nagpakita umano ito ng sintomas ng pagtatae , lagnat at hirap sa paghinga . Kinuhaan ito ng throat swab ng Provincial Health Office o PHO bago pa man ito masawi.

--Ads--

Napag-alaman na ang naturang biktima ay dati nang may karamdaman na highblood ayon sa kaniyang mga kaanak.

Wala rin umano itong travel history at walang exposure sa mga taong hinihinalang may Covid-19.

Base sa death certificate , ang pasyente ay namatay noong April 25 dahil sa severe electrolyte imbalance secondary to gastro-enteritis wth severe dehydration ; Chronic obstructive pulmonary disease .

Lahat ng mga nakasalamuha nito, maging ang mga dumalo sa lamay at libing nito ay pinayuhang sumailalim sa strict home quarantine hanggang lumabas ang resulta ng throat swab ng namatay na pasyente.