Umabot sa halos P4.6-M estimated value ng tangok na bangus ang nasayang sa barangay Salapingao Dupo at Pugaro Suit sa siyudad ng Dagupan.
Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Emma Molina, City Agriculturist ng naturang siyudad, katigasan ng ulo ng maraming fish growers ang nakikita nilang ugat nito, dahil sa sobrang stacking density o bilang ng mga isda sa isang fish cage ay hindi kinaya ng mga nasabing klase ng isda na mag-adjust mula sa napaka init na temperatura ng araw at biglang pag ambon o yaong biglaang pagbabago ng temperatura.
Ani Molina, ang nararapat lamang umano na stacking density ay pinaka mataas na ang bilang na 3, 500 – 4, 000 sa bawat 70 sqm. na fish cage.
Batay sa kanilang pagsisiyasat, lahat ng sumusunod sa tamang stacking density ay hindi umano nagkaroon ng problema kaya’t ligtas ang kanilang mga stack.
Nakiusap naman si Molina na sumunod sa mga technical recommendations upang hindi sila magkaroon ng problema o pagkalugi.