Nagkakaisang umaapela ng tulong mula sa pamahalaang Pilipinas ang mga overseas Filipino Workers mula sa Poland.

Sa ekslusibong panayam ng bombo Radyo Dagupan kay Lolita Valles, OFW sa Poland, marami silang OFW doon ang dalawang buwan nang walang trabaho dahil sa covid 19 pandemic.

Ang iba ay naghihintay ng working permit para sa panibagong pag aply ng trabaho.

--Ads--

Partikular na nagsara ang mga restoran at factory kaya nawalan ng hanap buhay ang maraming Pilipino.

Gayunman, wala pa rin silang balak umuwi ng bansa at hihintayin daw bumuti ang situwasyon sa nasabing bansa.

Ayon pa kay Valles, wala silang natatatanggap na tulong mula sa Pilipinas at wala ring organization o grupong nagkakaloob sa kanila ng tulong gaya ng nangyayari sa ibang bansa.

Sa ngayon ay kanya kanya sila at nagtitipid para may makain.

Hinihiling nila sa pamahalaan natin na tulongan sila doon at bigyan din sana ng ayuda ang kanilang pamilya na nasa bansa dahil hindi rin sila nakakapagpadala ng pera sa bansa.