Nabahala ang mga opisyal at mamamayan ng barangay Nagpalangan sa bayan ng Binmaley matapos magpositibo sa Covid-19 ang frontliner na pumunta sa kanilang lugar noong Abril 14.

Ang nasabing pasyente ay isang Patient Under Investigation (PUI) na kalaunan ay napabilang sa 4 na panibagong kompirmadong kaso ng COVID-19 sa Dagupan City.

Sa salaysay ni Barangay Captain Jonas Rosario ng Nagpalangan, Binmaley sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan, ang naturang pasyente ay pumunta sa kanilang barangay para dalawin ang kanyang lola pati na rin ang kanyang mga kamag-anak at upang magbigay na rin ng mga goods at aniya, siya ay nagtagal lamang sa barangay ng tatlumpong minuto (30 minutes).

--Ads--

Aniya, nakamotor nang pumunta ang nasabing pasyente doon at ngunit di umano ay hindi ito nagsabi na siya pala ay sumasailalim pa sa 14 day quarantine.

Ngunit noong Abril 24, lumabas ang resulta ng test ng nasabing frontliner kung saan ito ay nagpositibo sa COVID-19.

Agad naman umanong in-activate ng nasabing barangay at mismong Health Response Team ng Binmaley kung saan agad naman silang nasagawa ng Contact Tracing sa lahat ng nakasalamuha ng naturang pasyente sa kanilang lugar.