Patuloy pa rin ang paglabas ng mga ilang mamamayan sa Spain sa kabila ng malaking banta ng COVID-19 sa kanilang bansa kung saan malaking bilang na ang naitatalang namamatay dahil dito.

Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Eva Tinaza Pinay sa Madrid, Spain, nasa 450-550 ang naitatalang namamatay sa naturang sakit sa isang araw kung kaya’t humigit kumulang na 23,000 ang namamatay doon pa lamang sa kabisera nitong Madrid.

Aniya, matitigas umano ang ulo ng mga mamamayan doon dahil imbes na sumunod sila sa ipinapatupad na precautionary measures na ipinapatupad ng pamahalaan doon ay patuloy pa rin ang paglabas ng ilan doon dahilan upang tumataas pa rin ang bilang ng namamatay sapagkat hindi sila sumusunod sa utos ng kanilang bansa.

--Ads--

Salaysay pa nito na ang iba pa doon ay naglalabas pa umano ang iba doon upang magpa-init sa umaga at ang ilan naman ay limahan pa kung lumabas.