DAGUPAN, CITY— Wala pa sa kalahati ng populasyon ng bansang Trinidad and Tobago ang sumasailalim sa mandatory testing para sa coronavirus disease.

Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Alan Tulalian, Migrant Rights Advocate sa bansang Trinidad and Tobago, sinabi nito na sa 1.3 Milyong populasyon sa nasabing bansa, nasa 1,345 pa lamang ang sumasailalim sa naturang pagsusuri.

Aniya, wala pa umano silang inilabas na mandatory random test ngunit mayroon lamang silang guidelines sa kung sino ang mga unang magpapatest kung saan ang mga may travel history at may close contact sa mga positibo sa virus muna ang uunahing susuriin doon.

--Ads--

Dagdag pa nito na sa kabila ng hindi pagpapatupad nito ay 8 pa lamang ang naitatalang namatay sa kanilang bansa dahil sa covid 19 kung saan 45 na ang nakarecover mula sa naturang sakit.