Natuto na umano ang mga mamamayan sa Amerika matapos ang pagbulusok ng kaso ng coronavirus disease sa kanilang bansa.

Bagaman mayroon silang magandang pasilidad at prosesong pangmedikal ay hindi pa rin sasapat iyon kung walang disiplina ang mga mamamayan doon.

Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Harold Helm, residente sa Texas, USA, sinabi nito na magmula nang mabilis ang pagtaas ng naitalang bilang ng kaso ng coronavirus disease sa kanilang bansa ay nagsimula na umanong tumalima ang mga tao roon sa mga protocols na ipinapatupad ng gobyerno nila roon.

--Ads--

Aniya noong una lamang umano ay hindi pa naniniwala ang mga tao doon hingil sa malaking banta ng naturang sakit dahil iniisip nila ang kanilang trabaho at pagkakakitaan ngunit noong nakita nila ang matinding epekto nito mismo sa kanilang bansa ay agad naman silang tumalima para sa kanilang kaligtasan.

Kumpara umano sa ginagawang hakbang ng pamahalaan ng Pilipinas ay saludo umano ang mga Amerikano sa Pilipinas upang masugpo ang pagkalat ng coronavirus disease sa ating bansa.

Bagaman may mga ilan pa ring lumalabag sa mga ipinapatupad na protocols ay matagumpay naman umano ang pagpapaimplementa nito dahil nakita naman umano ang mabilis na pagtalima ng lahat ng Pinoy sa ipinapatupad na Enhanced Community Quarantine.

Kailangan umanong mag-ingat ng mga Pinoy lalo pa at limitado lamang umano ang ating kagamitan gaya na lamang mga Personal Protective Equipment (PPE) at maging ang mga pasilidad sa aspetong pangmedikal.