Nabuhayan ng loob si Provincial Health Officer Dra. Ana Marie de Guzman, dahil walang naitalang bagong kaso ng covid 19 sa nakalipas na anim na araw dito sa lalawigan ng Pangasinan.

Sa ekslusibong panayam ng bombo radyo Dagupan kay de Guzman, sinabi nito na ang pagkakatala ng panibagong apat na mga survivor o nadadagdagan na bilang ng nakarekober mula sa nakakamatay na corona virus disease ay nagpapakita lamang na naging mataas na ang awareness ng mga tao sa sintomas ng covid 19.

Hindi na tulad noon, hindi na hinihintay ngayon ng mga tao na lumala ang kanilang sakit kaya agad na silang nagtutungo sa doktor o ospital.
Samantalang ang mga mga health professional, gaya ng mga doktor at nurses ay nakakasunod na aniya sa protocol at napag aaralan na kung paano hawakan ang mga kaso ng covid.

--Ads--

Ito ay nagbigay aniya ng pag-asa sa lalawigan ng Pangasinan na sa darating na dalawang linggo ay makokontrol na ang covid cases.

Ang mahalaga aniya ay sumunod ang mga tao sa home quarantine lalo na ang mga kararating ana OFW at mandatory used ng face mask kapag tayo ay lalabas nang bahay at nang maiwasan na ma infect.