Kinasuhan ng karampatang kaso ang 15 indibidwal at isang kagawad matapos magpumilit na makapasok sa check point na gustong makauwi sa kani-kanilang bayan dito sa probinsya.
Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay PMaj. Fernando Fernandez, hepe ng Villasis PNP, kinumpirma nito na nahuli ng kanilang hanay ang mga ito kung saan napag-alamang ginamit pa ng mga ito ang barangay patrol sa pagsakay sa ilang mga nahuli sa checkpoint.
Ang 11 sa mga nahuling lumabag ay galing sa bayan ng Talavera sa Nueva Ecija na pawang mga construction worker na uuwi sa lungsod ng Dagupan at ang 4 naman ay galing namang Quiapo na uuwi naman Malasiqui.
Nahuli ang mga nasabing violators sa mismong boundary ng bayan ng Rosales at Villasis.
Pagdadahilan ng mga ito ay nais umano nilang umuwi sa kani-kanilang bayan dito sa probinsya ngunit ayon na rin kay Fernandez na hindi maaring makapasok dito sa lalawigan ang mga unautthorized person lalo na kapag nanggaling sa karatig lugar.
Dahil dito ay hindi sila pinayagan na makapunta sa Pangasinan at pinabalik sa kanilang pinanggalingan.
Ang mga mga taong ito na lumabag sa nakapaloob sa Bayanihan to Heal as One Act at Disobendience in Person in Authority.
Dagdag pa nito ay mas pag-iitingin pa nila ang pagbabantay at pagpapatupad ng kanilang checkpoints upang sa gayon ay hindi kinokonsinte at hindi na pamarisan ang mga indibidwal na lalabag sa mga inihain na protocols sa ilalim ng Extreme Enhance Community Quarantine na imiiral sa buong Pangasinan.