Nagsagawa ng programang Blood on Wheels ang Philippine Red Cross (PRC) Pangasinan na sila mismo ang pumupunta sa mga barangay o kabahayan ng mga blood donors.
Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Raymund Lim, Blood Donation Recruitment Officer ng PRC Pangasinan, ito ay bilang bahagi ng COVID-19 response ng pamahalaan.
Nauna na nilang pinuntuhan ang bayan ng Calasiao, Sta. Barbara, Malasiqui at Bayambang simula Abril 16 taong kasalukuyan, matapos ang ginawang pre-registration sa kanilang page na Philippine Red Cross Pangasinan Chapter.
Dagdag pa niya na prayoridad nilang puntahan ang mga regular blood donors.
Aniya, hindi maaaring mag-donate ng dugo ang mga indibidwal na may ubo, sipon at hirap sa paghinga, maging ang mga mayroong travel history.