Nagpayo ang asawa ng isang professional boxer sa mga mga Pilipino na tingnan ang positibong bagay na dulot ng COVID-19 kaysa puro nalang magreklamo.
Ito’y matapos nagviral ang isang inspirational facebook post ni Cheryl Laspiñas Rosales patungkol sa kanyang asawa na si Jessie Rosales,isang boxer na nakabasi sa Amerika ngunit naging kargador nalang ngayon dahil sa COVID-19 crisis.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cebu kay Cheryl, sinabi nitong, naisip niyang magpost ng karanasan sa social media dahil puno na umano ng negativity ang mga tao at puro reklamo nalang.
Ikinuwento niya na, may maganda ring naidudulot ang covid pandemic sa kanya dahil nagkakabonding an silang magpapamilya na nakabasi na dito sa Brgy. Mabolo, Cebu City.
Nakatulong rin umano para kay Jessie ang pagiging kargador dahil kahit naapektahan ang boxing industry, pawang nakakapagtraining pa rin ito dahil sa mga binubuhat na sako-sakong semento.
Ayon kay Cheryl na aabot sa 2,000 na sakong semento ang nabuhuhat ng kanyang asawa sa buong araw na pagtatrabaho nito sa pier 4 nitong lungsod at nagba-bike pa ito tuwing umaga para pumunta sa trabaho.
Kahit minsan umano, hindi niya narinig na magreklamo ang kanyang asawa, at ito pa ang nagturo sa kanya na maging positibo sa lahat ng nangyari
Kaya payo nito sa mga Pilipino sa gitna ng krisis lalo na yong may mga trabaho pa ngunit nagrereklamo na isipin ang kanyang asawa na ginawa ang lahat para sa pamilya, imbis na magreklamo, mainam na tumulong nalang. – [Bombo Radyo Cebu]