DAGUPAN CITY – Muling pinalawig ni Pangasinan Governor Amado Espino III sa ikatlong pagkakataon ang extreme enhanced community quarantine bunsod ng patuloy na pagtaas ng bilang ng nagpopositibo sa Covid 19 sa lalawigan.
Sa pamamagitan ng executive order 0019-2020 ay ipinag-utos ni Governor Espino na mapalawig pang muli ang EECQ hanggang sa madaling araw ng April 21, 2020 o hanggat kinakailangan.
Bunsod ito ng pagkakatala ng probinsiya nang 33 positibong kaso ng covid-19 kung saan 9 ang nasawi .
Dahil dito ay mananatli ang mahigpit na isinasagawang checkpoint at pagbabantay sa boung lalawigan ng Pangasinan upang matiyak na napapanatili ang pagsunod ng mga Pangasinense sa home quarantine.
Paiiralin naman ang 12 oras na operasyon sa mga supermarkets, public and private wet market, grocery stores, at iba pang retails stablishments na nagbibigay ng serbisyo sa publiko.