Sisiguraduhin ng Department Of Health (DOH) Region 1 na tatalima sila sa utos ng Inter-agency Task Force on Emerging Infectious (IATF-EID) ang direktiba na naglalayon na malaman ang pagkakakilanlan ng mga pasyenteng nagpositibo sa coronavirus disease upang mas mapabilis ang pagsasagawa ng contact tracing sa mga nakasalamuha ng mga ito.

Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay DOH Region 1 Officer IV Dr. Rhuel Bobis, na maigi nilang pag-aaralan ang naturang direktiba ng mandatory disclosure ng mga impormasyon ng mga pasyenteng kompirmadong natamaan ng sakit.

Aniya, kung ano umano ang ibibigay na guidelines ng National IATF-EID ay iyon ang pag-aaralan ng Regional office ng IATF at DOH upang maayos na ipapatupad ang nasabing guidelines.

--Ads--

Dagdag pa nito, kung masisiguradong may konkretong direktiba ay ibibigay agad naman itong ipaparating sa media upang maibahagi ang impormasyon ng pasyente na positibo sa naturang sakit ng sa gayon ay malaman ng mga tao kung nakasalamuha nila ang naturang tao.