Dismayado ang mga karamihang OFWs sa Riyadh, Saudi Arabia sa naging disisyon ng Department of Labor and Employment hinggil sa cash assistance na ipinamamahagi sa mga mga kababayan doon nakatigil sa trabaho dahil sa covid-19.
Ayon kay Bombo correspondent Lawrence Valmonte mula sa Riyadh Saudi Arabia, marami pa rin sa kanila ang hindi pa nakakatanggap ng pangakong 200 U.S. Dollar na tulong sa kanila sa gitna ng kinakaharap na krisis sa nasabing bansa.
Nalungkot aniya ang maraming OFWs dahil hindi kasama na makakaavail ng nasabing ayuda ang mga OFW na no work no pay.
--Ads--
Pagdating naman sa relief goods ay may karampatang proseso bago makakuha ang mga pinoy doon.