Dagupan City – Aprubado na ni Pangasinan governor Amado Pogi Espino III ang ipinasang ordinansa ng Sangguniang Panlalawigan na nag oobliga sa pagsusuot ng facemask habang nasa labas ng bahay dahil sa banta ng COV1D 19.
Alinsunod sa Provincial ordinance 235-2020, ang paggamit ng face mask ay inoobliga na sa lahat ng mga tao dito sa lalawigan lalo na kung sila ay lalabas ng kanilang bahay, at tuwing papasok sa trabaho at pupunta sa mga pampublikong lugar.
Kung walang facemask ay maaring gumamit ng panyo, washable mask at medical mask.
Epektibo ito sa buong panahaon ng enhance community quarantine o kung mayroong local transmission ng COVID 19 sa lalawigan.
Ang hindi susunod sa ordinansa ay padadaluhin sa community service awareness campaign tungkol sa covid 19 na ginagawa ng mga barangay at ibang lGU offices sa loob ng 3 oras.
Kapag paulit ulit ang paglabag ay istriktong pagbabawalan na ang violator na lumabas sa kanyang bahay sa buong panahon ng ECQ.