Halos balik normal na ang mga transaksyon sa South Korea dahil sa unti-unti nang pagbaba ng naitatalang kaso ng coronavirus disease sa naturang bansa.
Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Anne Campos, OFW mula sa South Korea, mukhang panatag naman na umano ang mga mamamayan doon dahil maigting ang ipinapatupad na precautionary measures ng kanilang pamahalaan upang mabawasan ang mga taong nagkakasakit.
Sa katunayan ay nakakalabas naman sila doon at walang umiiral na lockdown.
Sinabi ni Campos na maayos naman ang kalagayan ng mga Pinoy doon dahil patuloy ang trabaho at wala rin umanong pagkukulang sa pagkain sa nasabing bansa.
Dagdag pa niya, na hindi naman pinapabayaan ng embahada ng Pilipinas sa South Korea ang mga OFWs doon dahil sinisigurong maayos ang kanilang kalagayan at trabaho.