Pinalawig na sa Riyadh, Tabuk, Dammam, Hafouf, ang curfew hours sa 24 oras araw-araw, kasama na rin ang governorates ng Jeddah, Taif, Qatit, at Al-Khobar, sa bansang Saudi Arabia.
Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Lawrence Valmonte, Overseas Filipino Worker (OFW) sa Riyadh, Saudi Arabia, bagaman may ipinatutupad ng lockdown sa kanilang lugar ay pinapayagan pa rin umano silang lumabas upang bumili ng pagkain, magpunta sa mga pharmacy, gas stations, bukas din ang bank services, maintenance, operation workers, at ang water delivery services.
Samantala, ang pinaka huling tala ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa naturang bansa ay pumalo na sa 2, 016 ang active cases at may 38 nasawi, 551 naman ang naka-recover na.
Aniya, bukod sa mga pribadong asosasyon na nagpapaabot ng tulong doon ay wala pa rin silang natatanggap na ayuda mula sa Philippine Overseas Labor Office (POLO) na partikular na manggagaling nga sa Department of Labor and Employment (DOLE) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).