Nakakaranas na umano ng diskriminasyon ang ilang mga frontliners dito sa rehiyong uno dahil sa covid 19.
Ayon kay Zenaida Joy Bautista, Region I Governor ng Philippine Nurses Association sa rehiyon uno, may mga natatanggap siyang sumbong o reklamo mula sa ilang staff ng ospital na nakakaranas ng deskriminasyon kapag sila ay nagtutungo sa labas partikular sa grocery store.
Kapag nakita umano silang naka suot ng puti ay mistulang pinandidirihan na sila at ayaw malapitan.
Giit ni Bautista na napakahirap ang situwasyon ng mga frontliners dahil hindi rin sila makauwi sa kanilang bahay dahil mas inuuna nila ang pag aasikaso sa mga taong may covid 19.
Wala aniyang magagawa ang mga ito kundi tanggapin na lang nila ang ganoong situwasyon.
Payo niya sa mga medical workers na magquarantine at pakiramdaman ang sarili.
Dahil mismo siya ay nakaranas na rin ng deskriminasyon.
Kaugnay nito hinikayat niya ang mga frontliners na magpakatatag at magdasal para sa kanilang kaligtasan.