Hinahanda na ang City Mobile Tents sa City Astrodome para sa mga Patient Under Investigation (PUI) sa sakit na Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa siyudad ng Dagupan, lalawigan ng Pangasinan.

Personal na ininspeksyon ni Mayor Brian Lim ang modular tents na ini-install sa nasabing lugar upang masigurong maayos ang mga ito.

Ito ay hinahanda kung sakaling kailanganin pa ng siyudad ng karagdagang isolation areas para sa mga PUI dahil sa COVID-19 outbreak.

--Ads--

Samantala, 10 na ang naitalang PUI ang kasalukuyang naka-admit sa ibat-ibang ospital sa naturang lungsod.

Ang mga modular tents na ito ay donasyon mula naman kay Mr. Ralph Du noong April 1, 2020.