May ibinibigay na tulong ngayon ang Department of Labor Employment (DOLE) regional office 1 sa mga informal sector workers na naapektuhan ng ipinatupad na Enhanced Community Quarantine sa Luzon.

Ayon kay DOLE Regional Director Nathaniel Lacambra, napapaloob ito sa programang “TUPAD” (Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers) ng ahensiya na nagbibigay ng trabaho sa mga underemployed workers.

Batay sa memorandum na inilabas ng labor department, pasok sa programa ang mga underemployed at self-employed na manggagawa na walang pinagkakakitaan dala ng quarantine.

--Ads--

Sa programa, mabibigyan ng sahod ang mga papasang aplikante na bibigyang trabaho o aatasang sumama sa sanitation projects kapalit ng minimum wage na sahod sa loob ng 10 araw.

Sa mga intresadong mag apply ng trabaho ay magtungo sa tanggapan ng PESO Para sa karagdagang impormasyon at bisitahin ang facebook page na DOLE Ilocos region kung saan nandoon ang alintuntunin at requirement ng programa.