Puspusan ngayon ang ginagawang contact tracing sa mga nakasalamuha ng 7 taong gulang na batang babae na residente sa Brgy. Inmalog Sur. sa bayan ng San Fabian na nasawi matapos magpositibo sa COVID-19.

Ayon kay San Fabian Mayor Constante Agbayani, March 22, araw ng Linggo isinugod pa sa La Union Medical Center ang pasyente ngunit pagsapit ng March 26, agad din itong binawian ng buhay.

Inakala ng pamilya ng pasyente na dulot ng dengue ang kaniyang ikinamatay dahil ito din ang unang idineklara ng ospital na pinagdalhan sa kaniya. Makalipas ang ilang araw, dumating ang karagdagang resulta at mula sa kumpirmasyon ng PHO, positibo sa Covid-19 ang naturang bata.

--Ads--

Agad na nagsagawa ng contact tracing ang LGU San Fabian upang matukoy kung sino ang mga huling nakasalamuha ng biktima at upang malaman kung mayroon pa bang nainfect sa mga ito. Napag-alaman na mayroong dalawang tiyuhin ang biktima na galing sa Nueva Vizcaya at Manila. Bagamat walang sakit ang mga ito, salaysay naman ng isa sa kanila na sila’y dumalo sa isang lamayan sa Manila na kung saan, positibo din sa Covid-19 ang namatay.

Sa ngayon, dahil nasa boundary ang Brgy. Inmalog Sur, minabuti na din nila na i-lockdown ang mga kalapit nitong mga Brgy. partikular na sa Inmalog Norte at Bolaoen. Dagdag pa ni Agbayani na sa darating na Sabado, magdedeklara ng total lockdown sa buong bayan na tatagal hanggang 10 araw.

Sa kanilang monitoring umaabot sa dalawang daan ang binabantayan nilang Person Under Investigation o PUI na Under Home Quarantine. Todo bantay ang mga opisyales sa mga ito at sinisigurong matatapos nila ang 14 days quarantine upang mapigilan ang paglaganap ng Covid-19 sa kanilang lugar.

Samantala, nagsagawa na na rin ng decontamination sa mga residente sa lugar sa pangunguna ng BFP San Fabian