Dead On arrival (DOA)  ang mag live in partner sa bayan ng Binmaley matapos silang pagsasaksakin sa kanilang tahanan.

Lumang alitan ang nakikitang motibo sa pananaksak sa dalawa, habang ang anak nilang babae ay nasa kritikal na kondisyon at ang anak nilang lalaki naman ay sugatan.

Batay sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay PLt. Col. Brendon Palisoc, hepe ng Binmaley PNP, nakatanggap sila ng tawag mula sa ilang concern citizens sa nabanggit na bayan kaugnay sa nagaganap umanong away sa isang tahanan doon.

--Ads--

Nang puntahan ng kapulisan ay nakitang duguan ang apat na miyembro ng pamilya kung saan agad silang isinugod sa pagamutan sa Lingayen.

Agad din namang naaresto ang limang suspek na ngayon ay nasa pangangalaga na ng kapulisan.