Umabot na sa 15 na ang kumpirmadong kaso ng coronavirus disease o COVID-19 dito sa lalawigan ng Pangasinan.

Anim na ang nasawi at siyam naman ang nananatili sa ospital.

Ang mga bayan na mayroong kaso ng COVID-19 sa lalawigan ay ang mga sumusunod:
1 (patay) -Bayan ng Rosales
1 (patay) -Bayan ng Bayambang
1 (patay) -Bayan ng Urbiztondo
1 (patay) -Bayan ng Basista
1 (patay) -Bayan ng Lingayen
1 (patay) -Bayan ng Malasiqui
1 (naka-confine) – Bayan ng Rosales
2 (naka-confine) – Bayan ng Malasiqui
1 (naka-confine) -Bayan ng Bugallon
1 (naka-confine) -Lungsod ng Urdaneta
1 (naka-confine) -Bayan ng Asingan
1 (naka-confine) -Bayan ng Infanta
1 (naka-confine) -Bayan ng Bayambang
1 (naka-confine) -Bayan ng Pozorrubio

--Ads--

Samantala, mayroon na ring dalawang Patients Under Investigation o PUI ang namatay sa bayan ng Bani at Bayambang. Inaantay pa ang resulta ng kanilang COVID-19 test.

Sa kasalukuyan, mayroon ng 49 na nasa kategoryang Patients Under Investigation sa lalawigan at 78,547 ang Persons Under Monitoring kung saan 45,077 ang kasalukuyang sumasailalim sa 14 na araw ng quarantine.