Isang panibagong kaso ng pagkamatay ng Person Under Investigation (PUI) ang naitala dito sa lalawigan ng Pangasinan.
Ang biktima na mula sa bayan ng Lingayen ay isa sa mga pasyenteng mahigpit na binabantayan sa pagamutan matapos na magpakita ng sintomas ng coronavirus disease (COVID-19). Dahil dito, 11 nalamang ang nasa pagamutan habang nakalabas na ang 24 mula sa kabuoang 36 na binabatayang PUI.
Sa kasalukuyan, hinihintay pa kung kumpirmadong positibo sa naturang virus ang biktima.
Sa ngayon, nananatili sa bilang na dalawa ang namatay na confirmed Case at dalawa ding positibo ay ginagamot parin sa ospital.
Mabilis namang umakyat sa 68,254 ang bilang ng mga Person Under Monitoring (PUM) sa probinsya. 61,803 ang nasa ilaim parin ng 14 Days Quarantine habang may 6,418 na nakatapos na at mayroong 33 na hindi na natapos ang kanilang quarantine bagamat tuluyan ng umalis sa Pangasinan.