DAGUPAN CITY– Arestado ang isang ginang dahil sa pagbebenta nito ng mga alak sa mas mataas na presyo sa bayan ng San Faban.

Ayon kay PMAJ. Francisco Castillo, hepe ng San Fabian PNP nalaman nila ang transaksyon ng suspek matapos itong magpost sa social media kaugnay sa patago nitong pagbebenta ng alak. Dahil dito nagsagawa ang kapulisan ng operasyon kasama ang ilang DTI personnel matapos madiskubre na mas mataas sa suggested retail price ang mga ibinibenta nito.

Nang isagawa ang pag-aresto sa suspek ay positibong nakumpiska ang ilang piraso o bote ng mga alak na hindi bababa sa isang libong piso ang halaga.

--Ads--

Agad namang inaresto ang suspek at kasalukuyan ng inihahanda ang mga kasong isasampa sakaniya kaugnay sa overpricing at paglabag sa ilang guidelines ng extreme enhanced community quarantine halimbawa na lamang ng pagbebenta ng mga alak.

Ang hakbang ay kaugnay sa tuloy tuloy na pagpapatupad ng extreme enhanced community quarantine dito sa probinsya ng Pangasinan matapos makapagtala na 4 na kaso ng covid 19 kung saan dalawa sa mga biktima ay nasawi habang ang 2 ay nagpapagaling ngayon sa pagamutan.