Hindi magkamayaw ang problemang medical kinakaharap ngayon ng bansang Amerika matapos ang mabilis na pagkalat ng coronavirus disease (COVID-19) sa kanilang bansa.
Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Prof. Gabriel Ortigoza ng California, USA, sinabi nito na nangangamba ang mga health worker doon kung saan kukuha ng karagdagang Personal Protective Equipment dahil nauna na ngang napaulat na kulang na kulang sila ngayon sa mga kagamitan at (PPE) dahil sa naturang health crisis.
Kaugnay pa nito ay dalawang facemask bawat nurse at doctor lamang ang kanilang ginagamit kung saan nire-recycle lamang nila ang mga ito.
Dahil dito ay lalong dumami na ang mga na-infect ng virus kung saan nasa 10,000 na ang infected kada araw.
Dagdag pa nito na imbes na may pagbabagong makita sa aspetong pangmedikal ng nasabing bansa, ay lalong binabaan lamang ng naturang bansa ang safeguad ng infection control na dapat ay ma-upgrade lalo sa matinding banta ng naturang sakit.
Sa ngayon ay wala pang bagong gamot na lumalabas doon at patuloy pa rin silang nanaliksik ng lunas sa nasabing sakit.